top of page

Daniel Kaufman, Ph.D.

Pagsasagawa ng teorya ng
morpolohiya para sa mga wika sa pilipinas

November 29, 2024 at 12:00:00 PM

Details

2.png

Ipapakilala dito ang morphoton (Finkel & Kaufman, ongoing) , isang libreng programang nagagamit sa internet para gumawa ng modelong morpolohiya ng anumang wika. Bilang input, ang morphoton ay kumukuha ng sunod - sunod na tuntunin, humigit kumulang sa estilo ng a - morphous morphology ni Anderson (1992) . Isinasaayos ang mga tuntunin sa mga pangkat at sa bawat pangkat, pinipili ang pinakamaangkop na tuntunin, alinsunod sa prinsipyo ni panini, bago sumulong sa susunod na pangkat. Sa ganitong serial derivation, naipapakita ang unti-unting pagpapatayo ng salita. Bunga din nito, maaari nating lalong palinawin ang nagkakaibang landas ng pagbabago na tinahak ng mga wika sa pilipinas mula sa wikang proto-malayo-polynesian, ang muling binuong ninuno ng lahat ng mga wikang awstronesyano sa labas ng taiwan. Dahil may taning ang presentasyon (kundi ang buhay mismo), pagtutuunan natin ang tagalog at lalo na ang mga salitang naglalaman ng morpemang ka- na tinatawag na 'potentive' bilang halimbawa. Bukod sa masinsinang pagtanaw sa salita, pag - uusapan din natin ang pangkalahatang halaga ng pagsasagawa sa agham -wika at susubukan kong papaniwalain kayo na hindi pa ganap ang pormalisasyon habang wala pang implementasyon.

Victoria Chen

The nature of Philippine-type voice: Insights from inside and outside Austronesian

November 27, 2021 at 7:00:00 AM

Zoom

Details

2.png

Many western Austronesian languages exhibit a type of verbal inflection known as Philippine-type voice, which, in a descriptive sense, tracks the grammatical role of topics or relativized phrases. In this presentation I discuss (i) how new comparative evidence from Philippine and Formosan languages shed new light on the nature of this voice system, and (ii) how similar inflectional systems found in Nilotic and Caucasian inform us of an understudied typology of "Philippine-type voice" cross language families.

Chen
Tan-Cruz & Servano
bottom of page